Ito ay makaraang pangunahan ni DPWH Secretary Roger Mercado ang naturang seremonya ng bumisita ito sa Cagayan noong Huwebes, Abril 7,2022.
Papalitan ng tulay ang overflow bridge na nag-uugnay sa Tuguegarao metropolis sa bayan ng Peñablanca at probinsya ng Isabela kung saan magbibigay ito ng mas maikling ruta patungong Maynila na hindi na kailangan pang dumaan sa northern part ng lungsod.
Binubuo ng isang all-weather bridge na may sukat na 532.30 lineal meters at isang four-lane na kalsada na may kabuuang haba na 1.38-kilometers na binubuo rin ng apat na span Pre-stressed Concrete Girder at limang span Continuous Box Girder.
Dagdag pa ng kalihim, ang tulay ay magpapasigla sa pag-unlad ng socio-economic at pagtaas ng produktibidad sa mga apektadong lugar na nagpapagaan sa kalagayan ng pamumuhay ng mga tao gayundin upang mapabuti at magbigay ng direktang access sa mga nasa labas na Barangay, Munisipyo at Probinsya.
Sa pamamagitan ng all-weather bridge project, matutugunan nito ang inaasahang pagtaas ng populasyon at paglago ng ekonomiya ng lungsod.
Nauna nang pinaglaanan ng pondong P150-milyon ang naturang tulay sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) at inaasahang makikinabang dito ang nasa tinatayang 6,000 motorista bawat araw.