MALL GOERS SA LUNGSOD NG CAUAYAN, PATULOY ANG PAGDAGSA

Cauayan City, Isabela- Marami-rami pa rin ang bilang ng mga nagtutungo ngayon sa SM City Cauayan kasabay ng pagsisimula ng paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Ms. Krystal Gayle Agbulig, SM City Cauayan Public Relations Manager, manageable at halos bumalik na sa normal ang operasyon ng Mall ganun na rin sa kanilang pagtanggap sa mga taong pumapasok sa Mall.

Hindi na rin hinahanapan ng Vaccination card ang mga mall goers at wala na ring limit sa edad ng mga pinapayagang makapasok.

Tanging ang ibinabang kautusan na lamang ng LGU Cauayan ang kanilang sinusunod kung saan mahigpit pa ring ipinatutupad ang health and safety protocols sa mga empleyado at at sa lahat ng pumapasok.

Bagamat nasa 100 percent na ang workforce ng mga empleyado ay may ilang kumpanya pa rin ang nagpatupad ng kanilang sariling schedule arrangement.

Ayon pa kay Agbulig, ngayon na dumadagsa ang mga mall goers dahil na rin sa pansamantalang pagsasara ng mall sa Huwebes at Biyernes Santo maliban sa SM Supermarket.

Samantala, bukas lamang ang naturang mall sa mga nais makipag ugnayan at gustong humingi ng assistance pagdating sa gagamiting venue.

Facebook Comments