Ceremonial relay o simbolikong pagsasalin ng baton para sa 2024 Summer Olympics sa Paris, France, isinagawa sa Intramuros sa Maynila

Isinagawa ngayong araw sa Intramuros sa Maynila ang ceremonial relay o simbolikong pagsasalin ng baton para sa 2024 Summer Olympics sa Paris, France.

Pinangunahan ni French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz ang aktibidad kasama ang mga kinatawan ng Philippine Olympic Committee (POC) at ni 2020 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

Mula sa Japan ay dinala ang baton ito sa Pilipinas kung saan ipapasa rin ito ng bansa sa Cambodia ngayong araw.


Magpapatuloy ang pagpasa sa mga kalahok na bansa hanggang makarating ito sa Paris sa France.

Siniguro naman ni Boccoz na matutugunan ng Pransya ang banta ng COVID-19 sa paghahanda nila sa nalalapit na 2024 olympics.

Umaasa rin ang french ambassador na maraming Pilipinong atleta ang lalahok sa pinaka-inaabangang paligsahan sa larangan ng palakasan.

Facebook Comments