Ceremonial signing ng MOA para sa tulong pinansyal kay Hidilyn Diaz, isinagawa sa palasyo

Isinagawa ngayong hapon sa palasyo ang ceremonial signing ng Memorandum Of Agreement o MOA sa pagitan ng Philippine Sports Commission o PSC at Phoenix Petroleum.

 

Laman ng kasunduan ang dalawang milyong pisong tulong pinansyal para sa paghahanda ni Filipino weightlifter at Asian Games Gold Medalist Hidilyn Diaz para sa Tokyo 2020 Olympics.

 

Kada buwan ay tatanggap si Diaz ng 48,000 pesos na allowance para sa housing, food at iba pang gastusin sa training.


 

Tugon ito sa panawagang tulong ni Diaz sa kanyang instagram account para sa Olympic games.

 

Lubos naman ang pasasalamat ni Diaz sa malaking tulong para mapaghandaan niya ng husto ang kumpetisyon.

Facebook Comments