Malakanyang, kumbinsido na ginagawa ng MMDA ang lahat para masolusyunan ang problema sa trapiko

Maging si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay nabiktima din ng matinding traffic sa EDSA kung saan sya inabot ng 2-oras mula Makati patungong Singapore Embassy.

 

Sa kabila nito ay umaapela si Panelo sa publiko na dagdagan pa ang pasensya lalo na at nakakapagpalala pa sa mabagal na daloy ng trapiko ang madalas na pag-ulan.

 

Kumbinsido si Panelo na ginagawa ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang lahat para masolusyunan ang problema sa trapiko.


 

Ayon kay Panelo, kailangan talaga ng imprastraktura tulad ng mga bagong skyway para mapaluwag ang daloy ng trapiko sa mga lansangan tulad sa EDSA.

Facebook Comments