Ceremonial vaccination para sa A4 category sa Makati City Hall, umarangkada na rin

44

Nagsimula na rin ang ceremonial vaccination para sa A4 category sa Makati City.

Ayon kay Dr. Rolando Unson, Assistant City Health Officer ng Makati City at tumatayong Incident Commander ng COVID-19 sa lungsod, 50 empleyado ng Makati City Hall ang kanilang paunang binakunahan ngayong araw na ito.


Ito ay bilang bahagi ng ceremonial vaccination para sa mga tinatawag ng economic frontliners.

Tuloy-tuloy rin aniya ang pagpaparehistro para sa A4 category o essential workers.

Magbubukas din aniya sila ng mga bagong vaccination site na ekslusibo para sa A4 members at ito ay sa Glorieta 5 at sa San Lorenzo Place sa Don Bosco, Makati

Ipagpapatuloy rin ngayong araw ang pagturok ng second dose sa mga residente ng lungsod.



Facebook Comments