Certificate of product registration ng Dengvaxia vaccine, ipinawalang-bisa ng FDA

Manila, Philippines – Tuluyan nang ipinawalang-bisa ng Food and Drugs Administration (FDA) ang Certificate of Product Registration (CPR) ng dengvaxia vaccine.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno – napatunayan na binalewala ng manufacturer ng bakuna na sanofi pasteur ang rules and regulations ng ahensya.

Bukod sa bigo itong makapagsumite ng post-approval commitment documents, hiindi rin naka-comply ang sanofi sa post marketing authorization requirement nito hanggang noong December 17, 2018.


Dahil sa pagbawi ng CPR ng Dengvaxia, maituturing nang iligal ang importasyon, distribusyon at pagbebenta nito sa bansa.

Matatandaang umani ng kontrobersya ang naturang anti-dengue vaccine na sinisi sa pagkamatay ng ilang batang naturukan nito.

Sa kasalukuyan, isinisisi rin sa Dengvaxia scare ang paglobo ng kaso ng tigdas sa bansa dahil umano sa idinulot nitong takot sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Facebook Comments