Certified COVID-19 laboratories sa bansa, umabot na sa 93

Nasa 93 laboratoryo sa bansa ang binigyan ng lisensya para makapagsagawa ng independent testing para sa COVID-19.

Ito ay matapos mabigyan ng accreditation ng Department of Health (DOH) ang nasa apat pang laboratoryo.

Kinabibilangan ito ng De Los Santos Medical Center, Daniel O. Mercado Medical Center, San Pablo College Medical Center, at Amang Rodriguez Memorial Center.


Mayroong 91 laboratoryo ang sumasailalim sa five-step accreditation process.

Ang Pilipinas ay mayroong 70 accredited PCR facilities, at 23 GeneXpert laboratories.

Sa ngayon, aabot na sa 1,334,541 test ang nagawa ng mga lisensyadong laboratoryo sa bansa.

Facebook Comments