Showbiz – Masaya ngayon si Cesar Montano sa napapabalitang romantic relationship ng estranged wife niyang si Sunshine Cruz sa half-sibling ni Ara Mina, na si Macky Mathay.
Ayon kay Cesar, deserve daw ngayon ni Sunshine na makahanap ng tao na makakasama niya habang buhay kung saan wala naman siyang masasabi para kay Macky.
Base naman sa Instagram posts ni Sunshine, mukhang maayos naman ang pakikisama ni Macky sa mga anak ng aktres kay Cesar.
Sa parte ni Cesar, walang nababalita tungkol sa kanyang love life dahil abala raw kasi siya sa kanyang trabaho sa Tourism Promotion Board Office bilang Chief Operating Officer.
Facebook Comments