Weather Update!

Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area na nasa 670 kilometers hilaga-kanluran ng Borongan, Eastern Samar.

Dahil dito, nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa North Cotabato, South Cotabato at Maguindanao.

Asahan na ang malakas na pagbuhos ng ulan sa mga nabanggit na lugar sa loob ng isa hanggang dalawang oras.


Samantala, nakakaapekto naman sa Luzon ang hanging habagat.
Asahan na ang katamtaman hanggang mahinang pag-ulan sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Batangas at Quezon Province.

Facebook Comments