Cessna plane, bumagsak sa Wisconsin, USA – anim katao, patay

Amerika – Dead on the spot ang anim na katao matapos bumagsak ang isang maliit na eroplano sa Wisconsin USA.

Nabatid na galing sa Chicago ang Cessna plane 421 at patungong Canada nang ito ay mag-crash sa Harmony Township sa Northern Wisconsin.

Bago ang plane crash, nakausap pa ng air traffic controllers ang piloto ng Cessna plane at sinabi nitong hindi maganda ang panahon sa lugar.


Makalipas ito ay nawala na sa radar ang eroplano at natagpuan ang bahagi nito sa kakahuyan.

Noong Sabado, isang Cessna plane din ang nag-crash sa Georgia na ikinasawi ng apat na katao.

Facebook Comments