CGMA, kumpyansang magagaling na lider ng Kamara ang papalit sa kanya

Manila, Philippines – Kumpyansa si House Speaker Gloria Arroyo na magagaling na mga lider ng Kamara ang susunod sa kanya sa oras na magretiro na sa pulitika sa susunod na taon.

Ayon kay Arroyo, itinuturing niyang blessing ang pagiging Speaker ng Mababang Kapulungan.

Aniya, nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang mga mas batang kongresista at nakita niya ang work ethics ng mga ito.


Tiyak umanong iiwanan niya ang posisyon sa Kamara sa mga magagaling na indibidwal.

Mababatid na kinumpirma ni CGMA ang pagreretiro nito sa pulitika sa susunod na taon pagkatapos ng kanyang termino sa Kongreso.

Facebook Comments