CGPA bisita sa anibersaryo ng 6th ID

Inaasahang magiging pangunahing bisita si Commanding General of the Philippine Army Rolando Joselito Bautista sa ika 30th Founding Anniversary ng 6th Infantry Kampilan Division sa October 23, 2017.

Kaliwat kanang aktibidad rin ang inilatag sa Grandstand para sa selebrasyon sa impormasyong ipinarating ni Division Public Affairs Officer army Captain Arvin John Encinas.

Matatandaang nauna na ring binuksan sa publiko ng 6th ID ang ibat ibang programa kasabay ng long month celebration.


Nagpapatuloy naman ang mas pinatinding kampanya kontra terorismo para sa buong AOR ng 6th ID na kinabibilangan ng mga bayan mula Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato , Lanao Del Sur at syudad ng Cotabato.

Nagpapasalamat rin ang pamunuan ng 6th ID sa pangunguna ni Commanding General MGen Arnel Dela Vega matapos kilalaning best division ngayong taon, habang nagpapatuloy na nanawagan ang liderato ng 6th ID sa publiko na makiisa sa kanilang adhikain.

Facebook Comments