CHA-CHA | Charter change, makabubuting isagawa pagkatapos ng Duterte Administration

Manila, Philippines – Sa tingin ni Senator Panfilo Ping Lacson, mas makakabuting isagawa ang charter change o Cha-cha sa susunod na administrasyon o pagkatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Lacson, ito ay para hindi mapagdudahan ang nakaupong pangulo na magagamit nya sa sariling kapakanan ang gagawing pag-amyenda sa saligang-batas.

Ayon kay Lacson, mainam na sa unang taon pa lang ng susunod na administrasyon ay talakayin na ang Cha-cha, hindi katulad ngayon na nangangalahati na sa termino si Pangulong Duterte.


Sabi ni Lacson, sa ngayon ay hindi prayoridad ng Senado ang Cha-cha sa paniwalang hindi naman nito marereslba ang lahat ng mga problemang kinakaharap ng bansa.

Hindi naman tiyak ni Lacson kung magbabago pa ang sentimyento ng Senado laban sa Cha-cha pagkatapos ng 2019 elections kung saan magkakaroon ng pagbabago sa kanilang mga miyembro.

Facebook Comments