Cha-cha, maituturing nang patay sa Senado

Maituturing nang patay ang kontrobersyal na Resolution of Both Houses no. 6 kung si dating Senate President Juan Miguel Zubiri ang tatanungin.

Sa ilalim ng dating liderato ni Zubiri sa Senado ay umarangkada ang Charter change (Cha-cha) sa sub-Committee on Constitutional Amendments na dating pinamumunuan ni Senator Sonny Angara kung saan nito lamang Biyernes, nagsimula na ang regional consultation sa panukala sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Pero dahil napatalsik na si Zubiri at si Senator Chiz Escudero na ang pumalit na Senate President, sinabi niya na goodbye Cha-cha at kanselado na rin ang mga pagdinig dito.


Aniya, batid naman na kabilang si Escudero sa mga senador na tutol sa Cha-cha kaya dito pa lang ay pwedeng ituring na patay na ang RBH6.

Maliban kay Escudero, ilan pa sa mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan na tutol sa Cha-cha ay sina Senators Cynthia Villar, Imee Marcos, Risa Hontiveros at Minority Leader Koko Pimentel.

Facebook Comments