CHA-CHA | Pagbuo ng komite na mag-aaral sa pag-amyenda sa 1987 constitution, sinang-ayunan ni VP Robredo

Manila, Philippines – Welcome development para kay Vice President Leni Robredo ang pabuo ng komite na mag-aaral sa posibleng pag-amyenda sa 1987 constitution.

Sa programang BISErbisyong Leni ng DZXL-RMN, sinabi ni Robredo na dapat talagang idaan sa masusing pag-aaral at debate ang isinusulong na Charter Change ni Pangulong Rodrigo.

Nilinaw din ng Bise Presidente na hindi naman siya kontra sa pagbabago ng saligang-batas kung ito ang kinakailangan.


Sinang-ayunan naman ni Robredo ang panukala ni dating Chief Justice Renato Puno na amyendahan ang konstitusyon sa ilalim ng constitutional convention sa halip na constitutional assembly.

Aniya, kahit na mas magastos, mas matututukan naman at hindi mamamadali ang pag-amyenda sa saligang-batas sa ilalim ng Con-Con.

Samantala, may anim na buwang deadline ang binuong komite para tapusin ang kanilang trabaho.

Facebook Comments