HINDI GUSTO ANG UGALI | Pangulong Duterte, hindi dadalo sa Asia-Europe Summit?

Manila, Philippines – Posibleng hindi dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa gaganaping Asia-Europe Summit sa Brussels, Belgium sa Oktubre.

Sabi ng Pangulo, ayaw niyang gumastos nang mahal lalo’t hindi naman aniya mura ang pagpunta sa nasabing bansa.

Dagdag ni Duterte, hindi niya lang din talaga gusto ang ugali ng European Union.


Kasabay nito, binatikos niya ang aniya’y pagiging imperyalista ng European Bloc at pangingialam sa Pilipinas.

Nito lang nakaraang linggo nang pormal nang tanggihan ng gobyerno ang P382-million na ayuda mula sa EU.

Facebook Comments