Cha-Cha, posibleng makwestyon sa Korte Suprema – Sen. Angara

Hindi malabong makwestyon sa Korte Suprema ang constitutionality ng pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Ayon kay Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairman Senator Sonny Angara, siguradong may hahamon sa legalidad ng Charter Change dahil ito ang unang pagkakataon na aamyendahan ang 1987 Konstitusyon.

Tinukoy ni Angara na dahil may kalabuan ang mismong saligang batas maraming debate pa ang pagdadaanan nito kaya sa palagay ng senador haharap ito sa mga ligal na hamon.


Pagdating naman sa tanong na ilalagay sa balota para sa plebesito sa chacha ito ay dadaan muna aniya sa konsultasyon sa Commission on Elections (COMELEC) para matiyak na compliant o sumusunod ang Kongreso.

Giit ni Angara, kapag sigurado na ang pagdaraos ng plebisito kasabay ng eleksyon sa susunod na taon makakatutok na sila sa pagkumpleto sa public hearing at sa pagpapasa ng aktwal na amendment sa ilang economic provision ng saligang batas.

Facebook Comments