Official Facebook page ng PCG, narekober na; tatlong hacker, nadiskubre

 

Narekober na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang Facebook page ilang araw bago ito ma-hack.

Sa abiso ng PCG, alas-5:45 ng umaga ng maibalik nila ang kanilang official FB page kung saan nadiskubre na tatlong hackers ang may gawa.

Ayon kay PCG Spokersperson Rear Admiral Armando Balilo, nakipagtulungan ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology sa PCG para sa backend operations.


Dito nadiskubre ang mga hackers na may Facebook names na Fatima Hasan, Murat Kansu, at Vicky Bates.

Aniya, gumamit ang mga hackers ng malware para mapasok ang Facebook page’s security noong February 26, 2024.

Sa mga araw naman na na-hack ang nasabing FB page ng PCG, pawang mga pelikula ang nakikita at napanonood.

Facebook Comments