Manila, Philippines – Magpapatawag ng caucus si Senate President Tito Sotto III sa Martes sa Senado kaugnay sa isinusulong na charter change ng administrasyon para sa planong pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong federalism.
Ayon kay Sotto, binigyan na niya ng kopya ang mga senador ng draft federal constitution na isinumite ng consultative committee o con-com.
Layunin ni Sotto na mapagpasyahan sa caucus ang magiging posisyon ng mga senador sa cha-cha pati ang paraan kung isasagawa ito sa pamamagitan ng constituent assembly o constitutional convention.
Pagtitiyak rin ni Sotto, pati ang pinapalutang no election scenario ay kanila ding tatalakayin na mukhang hindi papalusutin ng mga senador.
Facebook Comments