Chairman Andy Bautista, hindi na ikinagulat ang mga paratang ng asawa

Manila, Philippines – Hindi na nagulat pa si Commission on Elections Chairman Andres Bautista sa mga akusasyong ibinabato laban sa kanya ng sariling asawa.
Ayon kay Bautista, matagal na ang problema nilang mag-asawa pero ang labis nyang ikinagulat ay kung bakit ngayon lang ito inilalabas ni misis.
Una nang sinabi ni Patricia Paz “Tish” Bautista, ang may bahay ni Chairman Andy na mayroon umano itong P1B ill-gotten wealth.
Inakusahan pa sya na mayroong sangkatutak na bank accounts, ari-arian at investments sa ibang bansa.
Pero depensa ng opisyal sya ang totoong biktima sa mga nangyayari ngayon.
Inilahad pa nito ang mga nangyari nuong umalis sya noong Nov. 2016 papuntang Estados Unidos
Kung mapapatunayan, maaaring maalis sa pwesto si Bautista sa pamamagitan ng Impeachment.

Facebook Comments