Ozamiz Chief of Police Jovie Espenido itatalaga sa mga lugar na puntirya ng drugs operation ng PNP

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police kung saang lugar susunod na itatalaga si Police Chief Inspector Jovie Espenido.
Ito ay sa harap na rin ng kaliwat kanang hiling na natatangap ni PNP Chief Ronald dela Rosa mula sa mga lugar na sandamakmak pa rin ang bentahan ng iligal na droga.
Ayon kay Dela Rosa, sa ngayon tinutukoy at bina-validate nila ang mga lugar na nanatili pa rin ang transaksyon ng iligal na droga at doon ililipat si Police Insp. Espenido.
Sa ngayon aminado si Dela Rosa, na most requested Chief of Police si Espenido dahil sa matatagumpay na drugs operation ng grupo nito.
Samantala sa Aug. 9 kung saan ipagdiriwang ang ika 116 anibersaryo ng police service bibigyan ng special award for anti-illegal drugs operation si Espenido. Ito ay dahil sa matagumpay umano na pagsasagawa ng drugs operation sa Albuera Leyte at Ozamiz City.

Facebook Comments