Chairman ng komite na nag-iimbestiga sa Ilocos 6, napikon na kay Governor Imee Marcos

Manila, Philippines – Bumanat na rin si House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Johnny Pimentel kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa nais nito na ipatigil ang imbestigasyon ng Kamara sa Ilocos 6 kaugnay sa kwestyunableng paggamit sa kanilang local tobacco funds na pinambili ng mga sasakyan ng lalawigan.

Hamon ni Pimentel kay Governor Marcos humarap na rin ito sa pagdinig ng Kamara sa July 25.

Patutsada nito, kung talagang inosente, walang itinatago at walang kinatatakutan si Governor Marcos ay bakit hindi nito magawang humarap sa imbestigasyon ng Kamara.


Sinabi pa ni Pimentel na hindi dahil siya ay isang Marcos hindi nangangahulugan na makapangyarihan ito at pwede na itong lumabag sa batas.

Sinagot din ni Pimentel ang pasaring ni Marcos na may “hostage crisis” sa Mababang Kapulungan dahil ikinulong ang anim na opisyal ng Ilocos Norte na ayaw magsalita tungkol sa pagbili ng 66.45 Million na motor vehicles mula ‎2011-2012.

Paliwanag ni Pimentel, may malinaw na paglabag na ginawa si Marcos at ang isyu dito ay ang iregular na paggamit ng pondo na dapat sana ay para sa mga tobacco farmers at hindi ang pinalulutang ng gobernadora na walang ghost projects sa kanilang lalawigan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments