Chairmanship sa Blue Ribbon Committee sa pagitan ni Sen. Erwin Tulfo at Sen. Pia Cayetano, tatalakayin pa ng Senado

Tatalakayin pa ng Blue Ribbon Committe kung sino kina Senator Erwin Tulfo at Senator Pia Cayetano ang mauupong permanenteng Chairman nito.

Matatandaang si Tulfo ang tumatayong acting Chairman ng Blue Ribbon habang si Sen. Pia naman ay nagpahayag na bukas siyang maitalagang Chairperson ng naturang komite.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, tatalakayin nila ang tungkol dito sa mga susunod na araw pagdating ni Tulfo sa bansa matapos ang pagdalo nito sa Inter-Parliamentary Union (IPU).

Kailangan aniyang makonsulta at matanong muna ang mga myembro ng BRC at mas mabuti kung hindi siya ang solong magdedesisyon sa usaping ito.

Naunang sinabi ni Tulfo na kung wala talagang uupong Chairman ay gagampanan niya muna ang pagiging acting chairman at target sanang magpatawag ng susunod na pagdinig tungkol sa maanomalyang flood control projects sa October 22 o sa 23.

Facebook Comments