Chalk allowance ng mga guro, ilalabas na sa Lunes

Kinumpirma ni Education Sec. Sonny Angara na ibibigay na sa Lunes ang chalk allowance ng mga guro sa public schools.

Ayon kay Angara, limang libong pisong chalk allowance ang matatanggap ng bawat guro at ito ay tax-free sa kauna-unahang pagkakataon ngayong taon.

Magagamit din aniya ang allowance para pambili ng kagamitan ng mga guro para sa pagtuturo at para punan ang iba pang pangangailangan sa kanilang silid-aralan.


Ibibigay ang chalk allowance sa mga guro isang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa July 29.

Una nang tiniyak ni Angara na simula sa susunod na taon ay itataas na sa sampung libong piso ang chalk allowance ng public school teachers.

Facebook Comments