Manila, Philippines – Muling nanawagan si Senador Antonio Trillanes na imbestigahan ang umano’y bilyun-bilyong pera sa bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng mismong hamon ng pangulo sa kongreso na imbestigahan siya sa umano’y kanyang ill-gotten wealth.
Kaugnay nito, pormal na maghahain bukas ng resolusyon si Trillanes para ipasilip ang bank documents ni Pangulong Duterte at anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sabi ni Trillanes, ang paghahain niya ng resolusyon ay bilang pagtanggap sa hamon ng pangulo nang sa gayon ay lumabas na rin ang katotohanan tungkol sa isyu.
April 2016 nang ibulgar ng senador ang tungkol sa umano’y ill-gotten wealth ni Duterte kung saan niya ito kinasuhan ng plunder sa Ombudsman.
Facebook Comments