Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Chamber of Mines of the Philippines ang alegasyong sangkot ang ilang mining companies sa planong destabilisasyon laban sa Administrasyong Duterte.
Katunayan anila, buo ang kanilang suporta sa pamahalaan.
Tulad ni Pangulong Duterte, committed din sa responsableng pagmimina ang mga kompanyang miyembro nila.
Ikinagulat naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang naging pahayag ng Pangulo na ilang mining companies ang nagpopondo ng destabilization plot laban sa kanya.
Samantala, inireklamo na ng graft at bridge of conduct ng Chamber of Mines sa Ombudsman si DENR Sec. Gina Lopez.
Kaugnay ito ng anila’y hindi patas na desisyon ng kalihim sa pagsuspinde at pagpapasara ng DENR sa ilang mining companies.
Facebook Comments