Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nakipag-ugnayan na sa Department of Justice para sampahan ng kaso ang may-ari ng Mighty Corporation

3

Manila, Philippines – Balak sampahan ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) ang may-ari ng Mighty Corporation na si Alex Wong  Chu King.


Ito ay dahil sa paggamit ng kumpanya ng mga pekeng cigarette stamps.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, inatasan na siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan at ihanda ang kaso laban sa Mighty Corporation.

Nakikipag-ugnayan na si Panelo sa DOJ para kasuhan ng tax evasion o economic sabotage si Wong Chu King dahil sa kanilang pandaraya ng buwis na ikinalugi ng pamahalaan ng bilyong pisong halaga ng buwis.

Aminado si Panelo na maari namang maareglo ang aspetong sibil ng Mighty Corporation kung magbabayad sila ng kanilang mga atraso sa buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Facebook Comments