Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ni MGen. Reynaldo Aquino, Vice Commander ng Philippine Army na siyang kinatawan ni LTCOL. Gen. Gilbert Gapay para sa ginanap na Change of Command sa bagong pinuno ng 5th Infantry Star Division na nakabase sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Gamu, Isabela.
Itinalaga bilang acting commander ng 5th Infantry Star Division Philippine Army si BGen. Laurence Mina matapos maabot ni MGen. Pablo Lorenzo ang compulsory retirement age na 56.
Ayon kay Army Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th ID PA, bagama’t may aktibidad ay simple lang ang gagawin para sa turn-over ceremony upang makaiwas na rin sa posibleng pagkalat ng COVID-19 at bilang bahagi ng health protocol ang pag-iwas sa dami ng tao.
Pansamantalang hahalili sa posisyon ng 502nd Brigade si Col. Virgilio Noora, Deputy Commander.
Si Mina ay naglingkod bilang Commander ng 502nd Infantry “Liberator” Brigade at Chief of Staff ng 5ID. Naging miyembro ito ng PMA ‘Bigkis Lahi’ Class of 1990.
Sa kabila nito, sa pamumuno ni MGen. Lorenzo ay nagkaroon ng magandang resulta sa pagsasaayos ng mga apektadong barangay na amy presensya ng teroristang grupo, 276 ang napasuko, 175 ang mga firearms at explosives at 2 guerilla front committees ang nabuwag.
Natanggap din ang parangal na Army Governance Pathway Institutionalized Status with Silver Trailblazer Award sa kanyang pamumuno.
Si Lorenzo ay nagtapos sa PMA at miyembro ng ‘SINAGTALA’ Class of 1986.
Tinitiyak naman ng hanay ng kasundaluhan ang patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan para tuluyan ng masawata ang teroristang grupo.