Babae, napaanak sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng sasakyan paospital

1484
(Photo courtesy: Guihulngan City Disaster Risk Reduction and Management Office)

NEGROS ORIENTAL – Hindi na kinaya pa ng isang babae na maghintay ng masasakyan patungong ospital dahil sa daan pa lang ay inabutan na ito ng panganganak.

Nitong Sabado ng umaga ay naghihintay daw ng tricycle ang mag-asawang Jaymar at Jean Cei Villarente dahil bigla umano itong nag-labor.


Habang wala pang nagdaraang sasakyan ay pinaupo na raw muna ni Jaymar ang kanyang misis sa gilid ng Barangay McKinley highway at makalipas ang ilang sandali ay niluwal ng asawa ang kanilang anak.

Sa larawang kuha ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng Guihulngan City, makikitang hawak pa ni Jaymar ang sanggol habang tila nakahiga naman ang asawa nito.

(Photo courtesy: Guihulngan City Disaster Risk Reduction and Management Office)

Naikuwento naman ni Jaymar na nadulas pa mula sa kanyang kamay ang anak kaya nahulog ito sa damuhan.

Agad namang nkatawag ng rescue team ang mga residente sa lugar kaya agad naidala sa ospital ang mag-ina.

Malaki ang pasasalamat ni Jaymar na malusog ang kanilang anak.




Facebook Comments