Change of Command Ceremony sa 30th IB,Phil Army Itinakda Bukas

221

Gagawin bukas,Huwebes Hunyo 22 sa may alas 10 ng umaga ang Change of Command Ceremony sa 30th Infantry Battalion ,4th Infantry Division ,Phil.Army na nakabase dito sa Sta.Cruz,Placer,Surigao del Norte. Sa nasabing programa,papalitan na si LTC Rico Amaro, ang Outgoing Commanding Officer ni LTC Allen Raymund Tomas,Incoming Commanding Officer. Pangungunahan naman ng Commander,4ID,PA, na si MGEN Benjamin Madrigal Jr bilang Presiding General Officer ang nasabing programa.
Sasaksihan din ng mga lokal na opisyal sa probinsya ang nasabing programa para bigyan ng pagkilala si Col Rico Amaro sa mabuti nitong nagawa sa pagpapalaganap ng kapayapaan at kaayusan sa probinsya ng Surigao del Norte. Nakilala din si Col. Amaro sa pagiging matapang nito na puntahan at makausap ang mga Kumander ng NPA kagaya nila ni Ka Edroy at Ka Oto .
Nalaman din ng RMN DXRS na si Col Amaro ay maa-assign na sa Bancasi Butuan City bilang Battalion Commander ng 4th CMO Battalion sa Phil.Army.

Facebook Comments