Chapel niraksak pero isa sa kawatan arestado

Arestado ang isang suspected na kawatan matapos ransakin ang St. Justine, Episcopal Church sa Sunsrise St. Poblacion ,Kabacan North Cotabato.

Sa panayam ng DXMY kay CINS Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, 3 katao ang pumasok sa simbahan pasado alas dos ng madaling araw noong sabado.
Agad na nagresponde ang mga kapulisan resulta sa pagkakaaresto sa isa sa mga suspek na si Alexander Magbanua. Nakuha mula sa suspek ang isang laptop na nagkakahalaga ng 15K , cellphone worth 15K , cash at ATM na pagmamay ari ng isang sundalo.
Maliban sa simbahan niransak rin ng mga suspeks ang katabing boarding house dagdag ni CINS Cordero.

Himas rehas na ng selda ng Kabacan PNP ang nahuling suspected kawatan at inihahanda na ang kaukulang kaso. Habang patuloy na tinutugis ang mga kasamahan nito na tumangay ng mga ninakaw na gamit.
Google Pic


Facebook Comments