CHARTER CHANGE | Posisyon ng Senado sa Cha-cha, pagpapasyahan sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Sa Martes ay magpapatawag ng caucus si Senate President Tito Sotto III sa lahat ng mga Senador para kaugnay sa isinusulong na Charter change ng administrasyon para sa planong pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong Federalism.

Ayon kay Sotto, una niyang pupulungin ang mga Senador na kasapi ng mayorya bago isama ang mga Senador na kasapi naman ng minorya.

Sabi ni Sotto, binigyan na niya ng kopya ang mga Senador ng draft Federal constitution na isinumite ng Constitutional Committee o Con-Com.


Layunin ni Sotto sa nabanggit na caucus na mapagpasyahan ang magiging stand o posisyon ng mga Senador sa Cha-cha pati ang paraan kung isasagawa ito sa pamamagitan ng constituent assembly o constitutional convention.

Facebook Comments