Pinaaamyendahan ni Senator Alan Peter Cayetano ang charter ng Philippine Sports Commission (PSC).
Sa pagdinig ng Senate Committee on Sports, iginiit ni Cayetano na kung magpapalit ang PSC bilang isang departamento ay magbibigay daan ito para direkta ng makatanggap ng pondo ang komisyon at mas lalo pang mapagtutuunan ng pansin at mapaghuhusay ang larangan ng sports sa bansa.
Aniya pa kung isang kagawaran ang PSC sa halip na commission ay magkakaroon na ito ng regular na budget.
Ipinunto pa ni Cayetano na dapat consistent ang pamahalaan sa paggastos sa mga sports facilities at mga atleta, hindi lamang tuwing magho-host ang bansa ng international sports competition.
Nakahanda rin ang Senate Committee on Government Corporation and Public Enterprises na pinamumunuan ni Cayetano na agad talakayin ang amyenda sa PSC charter.