Cauayan City – Tagumpay ang pagbisita ni Chavit Singson sa lalawigan ng Isabela kahapon, ika-19 ng Disyembre kung saan mainit siyang tinanggap ng mga lokal na opisyal kabilang sina Gov. Rodito Albano III, Vice Gov. Bojie Dy III, City Mayor Sheena Tan, at iba pang mga opisyal ng Santiago City at Isabela.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Singson ang kanyang mga plataporma na nakatuon sa pagsugpo sa iligal na droga at pagpapalawig ng serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.
Ipinakilala rin niya ang V Bank App, isang makabagong digital platform na may user-friendly features gaya ng mabilis na transaksyon at madaling access anumang oras, na naglalayong makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mamamayan.
Ang pagbisitang ito ay naging makabuluhan sa pagpapakita ng suporta sa mga residente ng Isabela at pagtutulak ng mga makabago at progresibong inisyatiba para sa bansa.