Chavit Singson, may paliwanag sa viral ‘Galawang Chavit’ video nila ni Catriona Gray

1613
Courtesy of ABS-CBN

“Jet lag” ang paliwanag ng politiko at businessman na si Chavit Singson sa nag-viral na video nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na binansagan ng netizens na “Galawang Chavit.”

(PANOORIN: ‘Galawang Chavit’ video ni Chavit Singson katabi si Catriona Gray, viral)


Makikita sa video na kuha noong Pacquiao-Thurman fight sa Las Vegas, ang inaantok na si Singson na muntik nang makatulog sa balikat ng beauty queen na nasa tabi niya at busy sa cellphone.

Sinabi ni Singson sa isang panayam na humingi na siya ng paumanhin sa beauty queen tungkol sa nangyari.

“Sabi ko, ‘Sorry ha, tinulugan ko beauty mo,’ kako sa kanya. Tawa nang tawa,” ani Singson.

Sumagot naman daw si Catriona ng: “Hindi okay lang, next time ako naman matutulog sa iyo.”




Hirit pa ni Singson, nagising naman daw siya agad at “hindi umabot.”

“Kararating lang namin, hindi ako nakatulog so jet lag. Nagising naman agad. Hindi lang umabot,” aniya.

Si Singson na isa sa mga major sponsors ng Miss Universe Organization (MUO), at ang MUO mismo ang nagdala kay Catriona sa Las Vegas, para magwagayway ng watawat ng Pilipinas sa laban ni Pacquiao.

Facebook Comments