Manila, Philippines – Magpapatuloy ang mga isinasagawang check point ng pulisya sa Metro Manila.
Ito ay kahit na inalis na ang election gun ban kasunod ng muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde, bahagi ang check point ng kanilang anti-criminality campaign lalo na’t nalalapit na ang Kapaskuhan.
Halos pareho lamang aniya ang regular na check point at election check point maliban lamang sa suspensyon ng permit to carry ng mga armas sa ilalim ng gun ban.
Sa kabuuan, 10 tao na ang nahuling lumabag sa election gun ban sa Metro Manila.
Facebook Comments