CHECK YOUR DATA FIRST | Gov. Espino III inalmahan ang pahayag nI VP Robredo!

“The Vice President should have checked her data carefully before branding provinces like Pangasinan as among the poorest,” ito ang tugon ni Pangasinan Governor Amado Espino III sa naging pahayag ni VP Leni Robredo na kabilang ang lalawigan sa 20 poorest provinces sa Pilipinas.

Sa katunayan umano kasama ang Pangasinan sa Top 25 country’s richest provinces ayon narin sa Philippine Statistics Office at dahil narin sa indikasyon ng pag-angat sa antas ng kabuhayan ng mga mamamayan at pagbaba ng kahirapan sa lalawigan simula pa noong 2015. Ayon sa Provincial Government data mula 21.8% noong 2006 bumaba ito sa 16.5%.

Dagdag pa ng gobernador ang probinsiya ay holder ng pagiging best implementer ng mga programa sa pagpapababa ng kahirapan na umani pa ng pagkilala sa LGU category taong 2009, 2013, at 2015. Gayundin ang paggawad sa lalawigan ng iba’t ibang pagkilala sa pamamahala kasama na rito ang Seal of Good Local Governance awards which were received in 2015, 2016 and 2017.


Facebook Comments