Checkpoint, araw-araw nang gagawin sa harap ng posibleng pagbuwelta ng Maute-ISIS

Manila, Philippines – Bilang seguridad ng publiko sa Metro Manila dahil sa posibleng banta ng ISIS, araw-araw nang magsasagawa ng check point ang Highway Patrol Group.

Ayon kay Police Supt. Bernard Perez, Chief Regional Highway Patrol Group NCR, mahigpit ang utos sa kanila na magsagawa ng checkpoint sa mga istratehikong mga lugar.

Kabilang sa mga lugar na lalatagan nila ng check point ay Commonwealth, Quezon Avenue, E. Rodriguez, C5, at Quirino.


Katuwang dito ng HPG ang NCRPO at QCPD.

Nasampolan kanina ng HPG sa Aurora-Cubao ang mga motorrider na nakumpiskahan ng hindi otorisadong blinkers, LED lights at mga bawal na gadgets.

Facebook Comments