Checkpoint sa East Bank Road sa Pasig, mas organisado na ngayon kumpara kahapon

Marami ng natututo sa ating mga kababayan dahil sa maayos na ang protocol na ipinatutupad ng mga pulis sa checkpoint sa East Bank Road na nagkokonekta sa Pasig at Cainta, Rizal at nabawasan na rin ang matinding trapiko.

Kung ikukumpara kahapon na sarado ang dalawang linya dahil okupado ng mga motorista, ngayon ay bukas na ang isang linya sa tulay at bigayan ang pagdaan para sa mga sasakyan na pinapalusot sa checkpoint.

Maliban dito, mayroon ding hiwalay na linya para sa mga manggagawa na dumadaan sa checkpoint.


Dito, mahigpit na chine-check ang kanilang ID, gayundin ang kanilang temperatura kung saan bukod sa mga pulis may kasama na ring mga kawani mula sa Local Government Unit (LGU) ang tumatao sa checkpoint.

Facebook Comments