Lalaking nakipagtalo tungkol sa manok, initak sa ulo

Nasa pagamutan ang isang 28-anyos na lalaki matapos tagain ng kainumang nakasagutan umano tungkol sa manok, iniulat sa Ilocos Sur.

Kinilala ng Candon City police ang biktima na si Christopher Langcawon mula Bacacay, Albay na naninirahan sa Brgy Paras kung saan residente rin ang suspek na si Rafael Manzano, 34.

Napag-alamang nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng isang kakilala nang mapunta sa manok panabong ang usapan nila.


Ilang sandali lang ay uminit umano ang usapan hanggang sa mauwi sa suntukan.

Sa gitna ng away, kumuha si Manzano ng itak at tinaga nang isang beses ang noo ni Langcawon.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek.

Facebook Comments