Cauayan City, Isabela – Nakatalaga sa ibat ibang lugar ang checkpoints ng kapulisan sa Cauayan City kaugnay pa rin sa comelec gun ban para sa nalalapit na Barangay at SK eleksyon.
Sa naging pahayag ni Police Senior Inspector Esem Galiza, ang Police Community Relation Officer ng PNP Cauayan na may systematic system ng checkpoint ang PNP Cauayan.
Layunin umano nito na maging maayos at maipatupad ng mabuti ang comelec gun ban checkpoints.
Giit pa ni PCR Galiza na hanggang sa ngayon ay wala pa silang naitala na lumabag sa omnibus election code na comelec gun ban.
Kaugnay nito, mahigpit pa rin umano ang koordinasyon ng PNP Cauayan at comelec hinggil sa nalalapit na eleksyon at maging ang tanggapan ng DepEd para sa gagawing pagbabantay ng kapulisan sa mga paaralan sa araw mismo ng eleksyon.