Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin sa isinasagawang pagbabantay sa mga checkpoints ang PNP Reina Mercedes kaugnay sa eleksyon Gun Ban ngayong nalalapit na Barangay at SK eleksyon.
Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Police Senior Inspector Michael Esteban ng PNP Reina Mercedes, layunin ng kanilang isinasagawang checkpoint ay upang matukoy kung sino ang mga nagdadala ng baril at para na rin sa kapakanan ng mga motorista.
Aniya, may mga nakatalaga nang kapulisan na nagsasagawa ng checkpoint sa ibat-ibang bahagi ng Reina Mercedes kaya’t humihingi sila ng dispensa at konting abala sa mga motorista at huwag din umanong kabahan kung pinapahinto ang inyong mga sasakyan bagkus ay buksan na lamang ang mga bintana at ilaw upang masuri agad ang loob ng sasakyan.
Dagdag pa Aniya, wala pa umano silang nahuhuli at nakumpiskang baril mula noong isagawa ang kanilang checkpoint.
Mahigpit ding ipinagbabawal ng PNP Reina Mercedes ang over loading lalo na sa mga tricycle at kanila ding ipinapatupad ang anti-driving sa mga minors sa bayan ng Mercedes.
Samantala, Patuloy naman ang kanilang pagbabantay sa mga tokhang responders upang makita kung nagbago na nga ba ang mga ito at ayon pa kay PSI Esteban, magtatapos na ngayong huling linggo ng Abril ang unang batch ng kanilang tokhang responders na sumailalim sa Community Based Rehabilitation and Wellness Program.