CHED, bubuo ng draft guidelines para sa training ng collegiate athletes

Bubuo na ng Technical Working Group (TWG) ang Commission on Higher Education (CHED) na siyang magbabalangkas ng guidelines sa kung paano maisasagawa ang training ng mga collegiate athletes sa mga lugar na nasa ilalim ng lockdown restrictions.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, inaasahang makakabuo agad ng guidelines sa loob ng tatlong linggo.

Ang TWG ay pangungunahan ni CHED Executive Director Cindy Jaro at binubuo ito ng mga kinatawan mula sa CHED, Philippine Sports Commission (PSC), Department of Health (DOH) at collegiate leagues.


Sinabi ni De Vera, sisimulan nila ang pagbuo ng guidelines sa maliit na grupo muna bago nila palawakin ang konsultasyon kung saan sakop ang iba pang ligang sinasalihan ng mga eskwelahan sa iba pang panig ng bansa.

Dadgag pa ni De Vera, magiging hamon ang pagkakaroon ng iba’t ibang sports sa loob ng liga kung kaya kinakailangan mayroong specific concerns at demands kada sports discipline sa tulong ng PSC.

Nakatakda nilang simulan ang TWG meeting sa susunod na linggo.

Facebook Comments