CHED Chair. Prospero de Vera, suportado ang anti-insurgency efforts ng pamahalaan sa kabila ng pagkakaaresto sa kapatid na umano’y isang mataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF sa QC

Suportado ni Commission on Higher Education Chairperson Prospero de Vera III ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno para matapos na ang communist insurgency sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni De Vera matapos na maaresto sa Teacher’s Village sa Quezon City ang kanyang kapatid na si Adora Faye de Vera na umano’y isang staff officer ng General Command ng CPP-NPA-NDF at secretary ng Central Front ng CPP-NPA Regional Committee-Panay.

Ayon kay De Vera, bagamat makaiba sila ng pananaw at hindi niya sinusuportahan ang aksyon ng kanyang kapatid, ipinagdarasal pa rin nito ang kanyang kaligtasan at maayos na kalusugan sa kulungan.


Sinabi ni De Vera na simula nang sumali ang kanyang kapatid sa CPP, 25-taon na ang nakalipas ay hindi na niya ito nakita at nakausap.

Facebook Comments