CHED Chairman Prospero de Vera, inireklamo sa Ombudsman ng isang CHED Commissioner

Sinampahan sa Office of the Ombudsman ng kasong graft and corruption at grave abuse of authority si Commission on Higher Education Chairman Prospero de Vera.

Batay sa 5 pahinang complaint-affidavit ni CHED Commissioner Aldrin Darilag, inakusahan nito si De Vera ng umano’y pagpabor sa isang supplier para makakuha ng kontrata sa ahensya.

Ayon kay Darilag, mismong siya ay inutusan ni De Vera na suportahan ang kumpanyang Aspen kahit hindi umano kwalipikado bilang supplier ng CHED.


Inakusahan din ni Darilag ng grave abuse of authority, harassment at oppression ang CHED chairman matapos na hindi siya binigyan ng due process nang mapatawan si Darilag ng 90- days preventive suspension ng Office of the President noong Enero 2024.

Hindi rin aniya siya binigyan ng CHED chairman ng kopya ng complaint at hindi siya binigyan ng pagkakataon na makapaghain ng counter-affidavit.

Nag-utos din aniya si De Vera na huwag siyang papasukin sa CHED premises para sana makuha niya ang kanyang laptop at mga personal na kagamitan.

Maging ang kanyang mga staff aniya ay pinagdududahan din at pinadadaan sa matinding inspeksyon sa tuwing pumapasok sa naturang tanggapan.

Sa ngayon ay wala pang tugon si De Vera sa naturang alegasyon.

Facebook Comments