Resort na itinayo sa Chocolate Hills sa Bohol, paiimbestigahan sa Kamara

Maghahain ng resolusyon ang Makabayan Bloc na nagsusulong na maimbestigahan ng House of Representatives ang pagtatayo ng Captain’s Peak Resort sa paanan ng Chocolate Hills sa Bohol.

Giit ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, hindi ito dapat palagpasin at kailangan siyasatin ng mabuti kung paano nakalusot.

Diin ni Castro, ang Chocolate Hills na UNESCO World Heritage Site, ay isang National Geological Monument ng bansa at protected area.


Bunsod nito ay nakikiisa din si Castro sa mga nagpapakilos sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para papanagutin ang mga opisyal ng pamahalaan na na nagbigay ng permiso para maitayo ang resort sa Chocolate Hills.

Kapansin-pansin para kay Castro, ang “pattern” ng mga pangyayari na sumisira sa mga protected areas ng bansa tulad ng Chocolate Hills at Masungi Georeserve sa Rizal province.

Facebook Comments