Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Professor Prospero “Popoy” De Vera ang ilang plano para sa mga kasapi ng Indigenous Peoples (IPs) gaya ng pagbibigay ng dagdag na scholarship at ang pagpapaunlad sa Agri-Eco Tourist Destinations sa lalawigan ng Nueva Vizcaya na siyang popondohan ng ahensya sa ilalim ng Higher Education Fund.
Ito ang pagtitiyak ni De vera sa kanyang pagbisita kahapon sa lalawigan partikular sa bayan ng Santa Fe.
Kasama rin sa mga humarap sa Chairman ng CHED sina Governor Carlos Padilla, Mayor Tidong Benito at ilang opisyal ng barangay Malico at Sta. Rosa.
Matatandaang si De vera at ang naihalal na kinatawan ng Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) sa Sangguniang Panlalawigan na si Samuel “Sammy” Balinhawang ay matalik na magkaibigan bago pa man nito pamunuan ang komisyon.