CHED Chairmen Sen. Bam Aquino, magpapatawag ng imbestigasyon sa nangyaring Bus Accident sa Tanay, Rizal

24

MANILA, PHILIPPINES – Magpapatawag ng imbestigasyon si Committee on Education Chairman Senator Bam Aquino sa nangyaring bus accident sa Tanay, Rizal kung saan nasawi ang 15 katao.

 

Ayon kay Aquino, dapat na malaman kung ano ang mga dapat baguhin o ayusin sa mga patakaran ng pagsasagawa ng educational tours o field trips ng mga mag-aaral.

 

Aniya, nais niyang malaman kung kusang loob o sapilitan and field trip ng mga estudyante.

 

Kaugnay nito, suportado ni Aquino ang isasagawang imbestigasyon ng Commission on Higher Education at LTFRB kaugnay ng naturang aksidente.



 

Facebook Comments