Sen. Trillanes, hiniling sa Anti-Money Laundering Council na ilabas lahat ng Bank Transactions ni Pangulong Rodrigo Duterte

3

MANILA, PHILIPPINES – Hiniling na ni Senator Antonio Trillanes IV sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na isapubliko na ilabas ang lahat ng bank transactions ni Pangulong Rodrigo Duterte mula taong 2006.

 

Sa sulat sa Trillanes, humiling siyang ilabas ang lahat ng plot at reported na kaduda-dudang transaksyon sa account ng pangulo.

 

Ito ay alinsunod na rin sa kautusan ng pangulo sa AMLC na ilabas ang kanyang bank transaction.

 

Una nang sinabi ni Trillanes na “political bluff” lamang ang naturang kautusan ng pangulo dahil hindi rin naman aniya aaksiyunan ng AMLC kapag wala itong pormal na written request.



Facebook Comments